BRUTAL (1980), directed by Marilou Diaz-Abaya
a taglish review.
I had a chance to watch this film on ktx, and wow, I am very amazed by this film, especially by Amy Austria (she did this role when she was 19 years old, wow!) I am not gonna break down the whole movie because I am not great at summarizing movies, but I'm gonna share my review (my feelings actually) in this film.
I love how this film was written and I love the story of this film. Disturbing nga lang siya medyo para sa akin, pero alam ko na nangyayari talaga sa totoong buhay yung mga nangyari kay Monica (Amy Austria), at alam ko rin na kahit 2022 na, may mysogynistic traits parin ang mga tao.
Nakakagalit kasi sa totoo lang na masyadong ginawang normal ng pamilya ni Monica yung pananakit sa kaniya ni Tato (Jay Ilagan), tapos isama pa natin yung ahas niyang kaibigan na si Cynthia (alam ko yung nangyari sa kaniya, pero galit parin ako sa kaniya).
Brutal talaga yung naging karanasan ni Monica sa pamilya niya, sa kaibigan niya, at sa rapist niyang asawa at mga kaibigan nito. Brutal din yung trato sa kaniya ng mga character gaya ni Clara (Charo Santos) nung una, pero character development din siya, in fairness. Siyempre, ang brutal ng pag-iisip nung mga film firm ata na pinakita sa film, balak gawan ng movie yung buhay ni Monica, tapos balak atang gawing bold movie.
I mean, yung media, brutal talaga yung ginagawa nila sa mga biktimang gaya ni Monica, na ine-exploit nila.
Mysogynistic man yung mga characters tulad ng pamilya ni Monica, at siyempre si Tato and friends, pero magandang feminist film ito para sa akin, especially, 1980 pa ito nilabas.
Siguro, nabitin lang ako sa kaso ni Monica, sana nabigyan siya ng pagkakataon para isampal sa pamilya ni Tato yung nangyari sa kaniya. I mean, wala akong pakialam sa love life ni Clara, okay? Kaya medyo di ko naging bet yung ending niya.
By the way, #ExquisitelyRecommended ito!
Comments