top of page

The Exquisite Reviews presents...

College Series 1: CHASING THE SUN (2020), written by Inksteady

a taglish review.


(WARNING: Spoiler Alert!)


I started reading this 2 days ago and I finished this last night. Binasa ko siya sa wattpad na matagal nang nakatengga sa library ko for a year.


Nilagay ng author sa simula na kapag hindi ka mahilig sa mga flawed characters na mahilig gumawa ng maling desisyon, then this story is not for you. Well, totoo talaga, haha.


Wala naman akong issue sa kung paano siya sinulat since di ako expert diyan, siguro sa characters lang talaga ako nagkaproblema.


Si Solene, okay naman siyang female lead, I really admire kung paano niya nalagpasan yung mga napagdaanan niya. Si Duke... hindi siya yung favorite ko eh, at hindi ko alam pero hindi ko siya bet para kay Solene, kahit sa mga last chapters, hindi ko siya nagustuhan. Kahit nandyan si Atreus, which is ayoko rin, si Harvin ang nagustuhan ko para kay Solene, kahit hindi ko bet yung unang pagkikita nila.


Okay naman na kaibigan si Troy, while si Mitzie at si Sean yung kinaiinisan ko talaga dito sa story, haha. At nagulat na lang ako bigla sa plot nila Jelay at Atreus, bakit biglaan?


Siguro ang pinaka nagustuhan ko sa story na ito ay yung character development ni Roswell.


Do I recommend this story? Well, may mga na-enjoy naman akong parts ng story na ito, pero medyo mataas yung expectations ko dito kasi highly recommended siya last year ng isa sa mga friends ko sa facebook, at hindi siya talaga nag-exceed sa expectation ko at okay lang naman yun. I recommend this sa mga taong mahilig sa bestfriends-to-lovers trope, yun lang.


#GoodStory lang siya sa akin.


Recent Posts

See All

Commenti


bottom of page